Pinoy imports OK sa GAB

Nagpapaliwanag si GAB head of professio­nal basketball division and other sports Dr. Jesucito ‘Bong’ Garcia sa TOPS.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mas maganda ang epekto ng paglago ng mga Pinoy basketball players na naglalaro sa mga professional leagues sa iba’t ibang bansa.

Ito ang paniniwala ni Games and Amusements Board (GAB) head of professional basketball division and other pro sports Dr. Jesucito ‘Bong’ Garcia.

Magandang oportunidad ito para sa mga Pinoy cagers upang mas lalong mapataas ang lebel ng kanilang mga laro.

Bukod pa rito ang pagtaas sa tingin sa mga Pilipino basketball players dahil sa tiwala ng mga ito sa kakayahan ng mga Pinoys na makasabay sa mataas na lebel ng kumpetisyon sa pro leagues.

“Walang kakulangan sa pro basketball players sa bansa, actually mas dumami pa ang bilang ng aming mga nabibigyan ng lisensya dahil na rin sa pag-usbong ng iba’t ibang pro league hindi lamang sa regular five-of-five bagkus pati na rin sa 3x3,” ani Garcia sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa Behrouz Persian Cuisine.

Nilinaw ni Garcia na mayroon silang kopya ng mga kontrata ng mga Pinoy cagers na naglalaro sa ibang bansa.

At base sa kanilang pag-aaral, walang ilegal na nakasaad sa kontrata.

Sa halip, mas magandang oportunidad ito para kumita ng mas malaki ang mga Pinoy imports.

Walang dapat ipa­ngam­ba ang lahat dahil bantay-sarado ng GAB ang kapakanan ng mga Pinoy imports.

“Walang dapat ikabahala dahil hindi namin sila bibigyan ng licensed kung alam namin na ala­nganin sila sa kontrata nila,” dagdag pa ni Garcia sa lingguhang sports forum sa pagtataguyod ng PSC at   Behrouz Persian Cuisine.

Show comments