^

PSN Palaro

Letran, Beda target ang krusyal na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Letran, Beda target ang krusyal na panalo
Fran Yu in action for Letran
STAR / Jun Mendoza

MANILA, Philippines —  Puntirya ng defending champion Colegio de San Juan de Letran at San Beda University ang kru­syal na panalo sa pagharap sa magkahiwalay na karibal ngayong araw sa pagpapatuloy ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Sasagupain ng San Beda ang Arellano University sa alas-12 ng tanghali habang titipanin naman ng Letran ang University of Perpetual Help System Dalta sa alas-3 ng hapon.

Magkasalo sa ikaapat na puwesto ang Knights at Red Lions tangan ang 6-3 marka habang na­ngunguna ang College of Saint Benilde na may 7-2 kartada.

Ikalawa naman ang Jose Rizal University ta­ngan ang 5-2 marka habang ikatlo ang Lyceum of the Philippines University na may 7-3 baraha.

Parehong galing sa panalo ang Letran at San Beda.

Naitarak ng Letran ang 82-78 panalo kontra sa Emilio Aguinaldo College para magarbong tapusin ang first round ng eliminasyon.

Isa sa mga naasahan ng Knights sa naturang laro si Kurt Reyson na gumawa ng 13 markers, tatlong rebounds at dalawang steals.

“Parating mainit yan eh. Yung first game namin, nakita naman ninyo he saved yung game namin by hitting the last shot. So ano naman yan, mapasensya naman yan si Reyson,” ani Tan.

Sa kabilang banda, nanalo naman ang San Beda sa Perpetual Help, 71-52, tampok ang matikas na laro ni JB Bahio na may nakuhang 16 puntos, walong rebounds at isang block.

Aminado si San Beda head coach yuri Escueta na marami pang dapat ayusin sa kanilang tropa.

“A win is a win for us but we still could have improved a lot, especially us that we’re looking to be more consistent kasi nga up down, up down ‘yung games namin and it starts within games and in quarters so ayun ‘yung goal namin sa second round, to be more consistent,” ani Escueta.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with