^

PSN Palaro

Tigresses swak sa 2nd round ng SSL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Tigresses swak sa 2nd round ng SSL
Hinatawan ni Regina Jurado ng UST Tigresses si Catherine Almazan ng EAC Lady Generals sa Shakey's Super League.
Russell Palma

MANILA, Philippines —  Mabangis pa rin ang Uni­versity of Santo Tomas nang sakmalin ang 25-13, 25-19, 25-15 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College sa Shakey’s Super League Collegiate Pre-sea­son Championship ka­hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Tigresses para mapatatag ang kapit sa solong pamumuno sa Pool B bitbit ang malinis na 3-0 baraha.

Ang panalo rin ang nagbigay katiyakan sa UST para makasikwat ng tiket sa second round ng torneo.

“I’m happy the team executed well in this game. I just want to see more con­sistency in our second unit as we head into the next round,” wika ni coach Kungfu Reyes.

Nanguna sa sa ratsada ng Tigresses si Angeli Abella na nagpako ng 19 points, habang naglista si Bianca Plaza ng 8 markers at may 7 points si Xyza Gula.

Tuluyan nang nasibak ang Lady Generals na wala pa ring panalo sa tatlong la­ro.

Kumana sina Jeanne Porto at Catherine Almazan ng tig-siyam na puntos su­balit hindi ito sapat para dalhin ang EAC sa panalo.

Pormal namang nagmartsa sa second round ang reigning UAAP champions na National University Lady Bulldogs at Ateneo La­dy Eagles matapos wa­lisin ang ka­nilang mga ka­ribal sa Pool B.

Inilampaso ng Lady Bulldogs ang dating NCAA tit­list na Arellano Lady Chiefs, 25-9, 25-17, 25-14, ha­bang nanaig naman ang Lady  Eagles sa Jose Rizal University Lady Bombers, 25-20, 25-16, 25-10.

Pareho nang may 2-0 ba­raha ang NU at Ateneo.

Nagpasiklab para sa Lady Bulldogs si rookie Vangie Alinsug na may 12 points at kumana naman si Myrle Escanla ng siyam na puntos.

Bumandera sa panig ng Lady Eagles si Lyann De Guzman na may 15 points at naglista si Yvana Sulit ng 13 hits.

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with