Jose Rizal pinigilan ang misyon ng Lyceum

Tinirahan ni Agen Miranda ng Jose Rizal Heavy Bombers sina Enzo Navarro at Shawn Umali ng Lyceum Pirates.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng Jose Rizal University nang isama ang Lyceum of the Philippines University sa kanilang mga nabiktima, 63-57, kahapon sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa The Are­na sa San Juan City.

Nagpasabog si Marwin Dionisio ng 15 points at 10 rebounds para sa 5-2 record ng ang Heavy Bombers.

Nagdagdag sina William Sy at John Amores ng pinagsamang 18 markers para sa Jose Rizal.

Natapos naman ang arangkada ng Pirates na big­­ong sumosyo sa liderato matapos mahulog sa 5-2 kartada.

Nagtala si JM Bravo ng 11 points at may 9 at tig-7 markers sina James Barba, McLaude Guadana at Alvin Penafiel, ayon sa pagkakasunod, para sa Pirates.

Sa unang laro, pinulutan ng San Beda Red Lions ang Arellano Chiefs, 96-61.

Humataw sina JB Bahio at James Kwekuteye ng tig-13 points para sa 5-2 baraha ng Red Lions.

Nakabangon ang San Beda mula sa naunang 80-83 kabiguan sa Jose Ri­­zal Heavy Bombers sa ka­­nilang huling laro.

“It was really a humbling experience. I can say na­ging overconfident tapos we didn’t respect our op­po­­nent,” ani Red Lions’ rookie coach Yu­ri Escueta.

Bumagsak naman ang marka ng Chiefs sa 4-4.

Umiskor si Darrel Meni­na ng 10 points para sa Arellano.

Show comments