^

PSN Palaro

Navarro nag-sorry!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Navarro nag-sorry!
Si Will Navarro laban sa player ng India.

Basbas ng PBA, SBP, Northport hiniling

MANILA, Philippines — Nag-sorry si Will Navarro sa pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), Philippine Basketball Association (PBA) at Northport kasabay ng paghingi ng pahintulot na makapaglaro ito sa Korean Basketball League.

Sa isang statement inilabas ni Navarro ang kanyang saloobin kung saan nakipagkita ito sa mga opisyales ng SBP, PBA at Northport para personal na humingi ng pahintulot.

Matatandaang hindi pinayagan ng SBP si Navarro na makapaglaro sa naturang Korean league dahil may kontrata ito sa Gilas Pilipinas at ang karapatan ng Northport na siyang pumili sa kanya sa PBA special draft.

“I now fully recognize that I have an existing contract with the SBP and am aware of its provision re: the rights of my PBA Drafting Team thru the PBA special draft, Northport Batang Pier,” ani Navarro.

Dumulog na si Navarro sa isang management team na mangangalaga sa mga kontrata nito.

“Since the fallout of my actions, I have sought professional assistance and am now once again under the advisement of a mana-gement team that will assist me with contracts and commitments moving forward,” dagdag ni Navarro.

Kasunod nito ang kahi­lingan ni Navarro sa SBP, PBA at Northport na payagan itong makapaglaro para sa Seoul sa nalalapit na pagbubukas ng KBL season.

Handa naman si Navarro na tanggapin anuman ang magiging desisyon ng tatlong organisasyon sa kanyang kahilingan.

“I seek the kind understanding and generosity of the SBP, the PBA and the Northport Batang Pier Team to give me a chance to pursue my and my fa­mily’s dreams for my basketball career. I pledge to abide by whatever decision they may arrive at regarding my case,” wika pa ni Navarro.

Iginiit pa ni Navarro na handa itong bumalik sa Pilipinas sakaling kailanganin ang serbisyo nito para sa Gilas Pilipinas.

Dumating si Navarro sa ensayo ng Gilas Pilipinas noong Lunes sa Meralco Gym kung saan nabigyan ito ng pagkakataon na makausap si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes at ilang opisyal ng SBP.

PBA

SBP

WILL NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with