Pang-matagalan

Parang Motolite battery si Asi Taulava.

Pang-matagalan.

Believe it or not, maglalaro pa si Asi sa NLEX sa Commissioner’s Cup na magsisimula bukas sa MOA Arena.

Sa edad na 49, si Asi ang oldest active player sa PBA o baka sa buong mundo, kasama na ang NBA.

Nasa 23rd season na sa PBA si Asi. At oras na ipasok siya sa game ng NLEX kontra Rain or Shine sa Friday, tatabla siya sa record ng “Living Legend” na si Robert Jaworski.

Naglaro sa PBA si Big J mula 1975 hanggang 1997 (23 seasons). Nag-retire siya as a player sa edad na 50 noong 1997 na isang world record sa professional basketball.

Kaya kung aabot pa ang 2003 MVP na si Asi as a player next year, isa na naman itong record-tying achievement.

Kundisyon pa si Asi, according to Adonis Tierra, ang interim coach ng NLEX. Nakakabilib kung paano tumagal si Asi sa PBA kung saan pumasok siya noong 1999 as player ng Mobiline.

Saludo ako kay Asi dahil parang anak na niya ang ibang players sa PBA.

At dahil 6-10 ang height limit ng imports, ma­kakatikim ng maraming playing minutes si Asi na halos 6-9 at 245 pounds.

Kailangan siya sa loob pang-bangga sa imports.

Ihanda ang Salonpas.

Show comments