Kooperasyon hiling ng PBA sa B.League

Officials of the Philippine Basketball Association and the Japan B.League pose for posterity.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi lamang ang Philippine Basketball Association (PBA) ang apektado sa paghugot ng Japan B.League sa mga professional players kundi pati ang Gilas Pilipinas.

Kaya naman umaasa sina PBA Board chairman Ricky Vargas at PBA Commissioner Willie Marcial ng magandang relasyon sa pamunuan ng B.League.

“Recent events whereby our players accepted offers to play in Japan have hurt not only our league but our national team training and development, as well,” ani Vargas sa pakikipag-usap ng PBA sa mga B.League officials sa Tokyo, Japan kamakalawa.

“If we continue this way of engaging Philippine pla­yers without prior clearance from our league, it may sadly blemish our friendship,” dagdag nito.

Ang mga PBA players na lumipat na sa Japanese league ay sina Kiefer Ravena, Ray Ray Parks Jr., Matthew Wright, Greg Slaughter, Jay Washington at Roosevelt Adams.

Sina Ravena, Parks at Adams ay naglaro para sa Gilas sa nakaraang fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

Kumakampanya rin sa B.League sina dating collegiate stars Dwight Ramos at Thirdy Ravena na mi­yembro rin ng Gilas.

“As good neighbors, the path of cooperation is always the best way to settle our differences,” sabi ni Vargas sa mga JBL officials na pinamumunuan ni chairman Shinji Shimada.

Nakatakdang bumisita sa bansa si Shimada sa Disyembre para makipagpulong muli kina Vargas at Marcial ukol sa relasyon ng PBA at B.League.

Show comments