HD Spikers may import na rin
MANILA, Philippines — Humugot na rin ang Cignal ng import nito upang palakasin ang kanilang kampanya para sa nalalapit na pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa susunod na buwan.
Kinuha ng HD Spikers ang serbisyo ni American opposite hitter Tai Bierria na may malalim nang karanasan sa iba’t ibang international commercial leagues.
Nakapaglaro na ito commercial league sa Amerika at Europa.
Naglaro ang 6-foot-1 American outside hitter sa Pölkky Kuusamo sa Finland at sa Clamart Volley-Ball sa France.
Sa kanyang college days, naglaro ito para sa Memphis University bago nagtransfer sa New Mexico University.
Malaking tulong si Bierria sa kampanya ng HD Spikers.
Dalawang beses nagtapos sa ikatlong puwesto ang Cignal sa taong ito — sa Open Conference at sa Invitational Conference.
Makakasama ni Bierria sina team captain Rachel Anne Daquis, outside hitter Ces Molina, at sina middle blockers Ria Meneses at Roselyn Doria.
Nauna nang humugot ng import ang dating Open Conference champion PetroGazz.
Kinuha ng Gazz Angels si American outside hitter Lindsey Vander Weide.
- Latest