Nadal pinuri ang tagumpay ni Eala

Alex Eala at the 2022 US Open.
USTA

MANILA, Philippines — Pinuri ni Grand Slam champion Rafael Nadal ang tagumpay ni Filipino teen sensation Alex Eala sa katatapos na US Open juniors championship sa New York City.

Nagpost ang 22-time Grand Slam winner na si Nadal ng appreciation post sa kanyang social media para bigyang-pugay ang panalo ni Eala.

Kinilig si Eala sa post ni Nadal kaya’t agad niya itong na-ishare sa kanyang sari­ling social media account.

Malaki ang pasasalamat ni Eala sa Rafael Na­dal Tennis Academy na tumulong sa kanya para maabot ang mga pangarap nito.

Isa si Eala sa mga scho­lars ng Rafael Nadal Tennis Academy sa Mallorca, Spain na siyang hu­mubog sa talento at kakayahan ng Pinay netter.

Sa pagpasok ni Eala sa academy ni Nadal, naging maganda ang resulta ng kanyang mga laban kung saan tatlong beses na itong nakapag-uwi ng Grand Slam trophy.

Pinakahuli ang kam­peo­nato nito sa girls’ singles ng US Open juniors championship para tanghaling kauna-unahang Pinoy tennis player na nakasungkit ng korona sa isang Grand Slam tournament.

Kasama pa rito ang dalawang girls’ doubles titles noong 2020 Australian Open kasama si Priska Madelyn Nugroho ng Australia at 2021 French Open katuwang naman si Oksana Selekhmeteva ng Russia.

Show comments