SMART/MVP Sports Foundation National taekwondo tilt sa Septyembre 3-4
MANILA, Philippines — Humigit-kumulang sa 2,000 taekwondo jins mula sa 20 rehiyon ang sasalang sa 45th SMART/MVP Sports Foundation National Taekwondo Championships sa Setyembre 3-4 sa Ayala Malls-Manila Bay sa Pasay City.
Kabilang sa mga lalahok ay mula sa BARMM, CAR, CARAGA at National Capital Region (NCR), ayon sa nag-oorganisang Philippine Taekwondo Association (PTA).
Inaasahan ding sasali sa torneong itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at MILO ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), mga miyembro ng Philippine team at varsity players mula sa mga collegiate leagues sa bansa tulad ng UAAP at NCAA.
Magtutuos sa individual competition ang mga kalahok sa Advance at Novice category para sa lalaki at babae tampok ang Senior, Junior, Cadet, at Grade School divisions.
Gagamitin ng PTA sa torneo ang pinakabagong taekwondo officiating system na KPNP bilang Protector and Scoring System (PSS) na nagtataglay ng IVR (Instant Video Replay) system upang masiguro ang pantay at patas na officiating.
- Latest