^

PSN Palaro

Pangulong Bongbong Marcos pinuri si Obiena

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Bongbong Marcos pinuri si Obiena
EJ Obiena.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Napansin ng Malacañang ang tagumpay ni Tokyo Olympics veteran Ernest John Obiena sa international competitions.

Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagbigay ng congratulatory message kay Obiena nang magwagi ito ng gintong medalya sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting na ginanap sa Jockrim, Germany.

Nasikwat ni Obiena ang ginto nang magtala ito ng 5.81 metro noong Martes.

Kaya naman nag-iwan ng magandang mensahe si Marcos sa kanyang social media account.

“Isang maligayang pagbati para sa ating atleta na si EJ Obiena sa kanyang pagkapanalo ng gintong medalya,” ani Marcos.

Hanga si Marcos sa husay at galing ni Obiena na kasalukuyang Asian record holder sa men’s pole vault.

Magandang ehemplo si Obiena para sa mga kabataang nagnanais maging matagumpay sa larangan ng sports.

“Ang pinakitang gilas ni EJ sa larangan ng pole vault ay isang katangiang maaaring tularan ng mga kabataang nangangarap na maging isang atleta,” dagdag ni Marcos.

Agad namang nagpa­salamat si Obiena sa mainit na mensahe ng pangulo.

“Maraming salamat po, President Bongbong Marcos, for the congratulatory message and recognition. I hope I did the country proud,” ani Obiena sa kanyang sari­ling post sa social media.

Dahil sa kanyang ta­gumpay sa Germany, nakasiguro na rin si Obiena ng tiket sa 2023 World Athletics Championships na gaganapin sa Budapest, Hungary.

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with