^

PSN Palaro

SMB umangat sa Game 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
SMB umangat sa Game 2
Pinigilan ni June Mar Fajardo ng SMB ang drive ni TNT guard Mikey Williams sa Game 2 ng PBA Finals.
Jun

MANILA, Philippines — Hindi pumayag ang San Miguel na mahulog sa 0-2 pagkakabaon sa serye.

Niresbakan ng Beermen ang nagdedepensang TNT Tropang Giga, 109-100, sa Game Two ng 20­22 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bumawi ang San Miguel mula sa 84-86 kabiguan sa TNT sa Game One mula sa buzzer-beating jumper ni Jayson Castro para itabla sa 1-1 ang  kanilang best-of-seven title series.

“Mabuti na lang ngayon iyong pride nila as a player ay talagang nasundot ng konti,” ani coach Leo Austria. “From start to finish talagang very close (ang game) pero hindi sila bumitaw.”

Tumipa si CJ Perez ng 23 points para sa Beermen at may 20, 19 at 13 mar-kers sina Vic Manuel, Marcio Lassiter at six-time PBA MVP June Mar Fajardo, ayon sa pagkakasunod.

Nagpasabog si RR Pogoy ng game-high na 28 points kasama ang anim na triples sa panig ng Tropang Giga.

Nalimitahan naman si Mikey Williams sa 7 points mula sa malamyang 3-of-10 field goal shooting.

Matapos isara ang third period sa 82-79 ay naghulog ang SMB ng 13-1 bomba sa likod nina Manuel at Lassiter para itayo ang 15-point lead, 95-80, sa 7:48 minuto ng final canto.

Lalo pang naiwanan ang TNT sa 92-109 matapos ang dalawang dikit na basket ni Manuel sa huling tatlong minuto ng laro.

Iginiya ni assistant coach Sandy Arespacochaga ang Tropang Giga dahil nasa Beirut si coach Chot Reyes para sa pagsagupa ng Gilas Pilipinas sa Lebanon sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

2018 PBA GO­VERNOR’S CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with