Diay pinarangalan ng SEAG Federation

Lydia de Vega-Mercado during the opening ceremonies of the 2019 Southeast Asian Games at the Philippine Arena in Bulacan
SEAG Network

MANILA, Philippines — Bago ang kanilang mee­ting ay nagpalabas ang Southeast Asian Ga­mes Federation ng isang video tribute para kay Asia’s sprint queen Lydia de Vega kahapon sa National Olympic Committee of Thailand Building sa Bangkok.

Ito ang sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na nasa Bangkok para sa unang pagpupulong ng SEA Games Federation.

Ang SEAG Federation meeting ay para sa hosting ng Cambodia sa ika-32 edisyon ng biennial event sa Mayo 5-16 sa susunod na taon.

Pinuri ng mga miyembro ng SEAG Federation si De Vega na nagtakbo ng siyam na gold medals sa kanyang pagsabak sa SEA Games tampok ang pagtatala ng personal best na 11.28 segundo na hindi nabura sa loob ng 33 taon.

Ngunit noong 2020 ay binura ito ni Fil-American Kristina Knott.

Pumanaw si ‘Diay’ sa edad na 57-anyos noong Agosto 10 matapos ang apat na taong pakikipaglaban sa breast cancer.

Show comments