FINIS Swim Festival sa Davao del Sur

Naselyuhan ang tambalan ng FINIS Philippines at host city Digos matapos ang pagpupulong nina Gov. Yvonne Rona-Cagas (ikalawa sa kanan) at FINIS Managing Director Vince Garcia. Nasa larawan din sina Glenn Inas, Provincial Economic and Investments Promotions at FINIS Director Marietta Herranz.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pag­kakataon ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga regular swimmers na makalahok sa isang biga-ting kompetisyon kagaya ng Davao Del Sur Swim Festival sa Matti, Digos City, Davao del Sur.

Nakatakda ang swim festival ngayon hanggang bukas sa Davao del Sur Olympic Size Pool sa Gov. Douglas RA Cagas Sports, Cultural and Business Complex sa pakikipagtulungan kay Davao del Sur Gov. Yvonne Rona-Cagas.

“FINIS is offering the best program for homegrown talents. Focus kasi namin na mabigyan ng chance ang mga regular swimmers to compete in a global-type of environment,” ani Vince Garcia, ang Managing Director ng nag-oorganisang FINIS Philippines.

Sisimulan ang swim festival sa pagdaraos ng Mindanao leg ng FINIS Short Course Swim Championship.

Isasagawa rin ang FINIS Passig Islet 5K Open Water Swim Challenge sa Agosto 27 at ang Kids of Steel Triathlon FINIS Green Aquathlon (kids & adults) sa Agosto 28 sa Digos City.

Inaasahan ni Garcia ang pagdagsa ng mga lahok matapos ilagay ang online registration sa Ra­ceyaya.com dahil sa paghahangad ng mga swimmers na makasali sa National Finals sa Agosto 20-21 sa New Clark City sa Tarlac.

Ang top 16 swimmers sa bawat event ang mag­la­laban sa National Finals kung saan naghihintay ang mas malalaking pa­premyo, kabilang ang trai­ning package sa mga atletang makakabura sa national record.

Show comments