MANILA, Philippines — Pormal nang ipinakilala ang official mascot ng prestihiyosong FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas, Japan at Indonesia.
Pinangalanan ang mascot ng JIP na initials ng Japan, Indonesia at Pilipinas — ang tatlong host countries ng world meet.
Napili ang pangalang JIP mula sa mahigit 100,000 na sumali sa pa-contest ng FIBA noong nakaraang linggo para pangalanan ang official mascot.
“The name JIP is a perfect match for this beautifully designed mascot as it incorporates and unites all three host nations,” ani FIBA Basketball World Cup 2023 executive director David Crocker.
Pinangunahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagpapakilala sa World Cup mascot.
Ginanap ang official announcement sa Pilipinas kasabay sa Japan at Indonesia.
Ayon kay SBP president Al S. Panlilio, ang mascot na si JIP ay nagsisimbolo ng magandang samahan ng tatlong bansa para kapit-kamay na maitaguyod ng matagumpay ang World Cup.
May kuwento kung paano nabuo si JIP.
Istorya ito ng ng tatlong fans na nagkakilala online na sina Caloy na mula sa Pilipinas, Kota mula sa Japan at Dewi mula sa Indonesia para mabuo ang basketball robot.
Pagkakaisa ang simbolo ng robot na kailangan na kailangan hindi lamang sa Japan, Indonesia at Pilipinas maging sa buong mundo na dumaranas ng pandemya sa kasalukuyan.