Tagumpay ang ‘OKBet Goes To Bacolod’

Namahagi ang ‘OKBet’ ng hygiene kits sa pamahalaang panglungsod ng Bacolod, na kinatawan ni Mayor Albee Benitez bi-lang bahagi ng kampanya para sa programang pangkalusugan.

MANILA, Philippines — Mas maaksyong mga Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) provincial games ang nasaksihan ng mga fans sa Bacolod City.

Naging MassKara Festival ang pagdiriwang sa ginanap na ‘OKBet Goes To Bacolod’ noong Hul­yo 18 sa University of St. La Salle Gymnasium na tinampukan ng mga laro ng host team Bacolod Bingo Plus, Valenzuela City XUR Homes Realty Inc., Zamboanga Family’s Brand Sardines at Nueva Ecija Rice Vanguards.

Naglagay din ang ‘OKBet’, ang nangungunang Pinoy gaming platform sa bansa, ng ispesyal na booth kung saan namahagi ng mga regalo at paprem­yo tulad ng mga t-shirts at lanyards para sa mga masuwerteng manonood gayundin ang meet-and-greet sa mga players.

Ipinangako ng ‘OKBet’ ang pagbibigay ng suporta sa liga matapos lagdaan ang kasunduan para sa pakikipagtambalan sa ligang itinatag ni boxing legend Manny Pacquiao at kasalukuyang pinapatnubayan ni Commissioner Kenneth Duremdes.

Show comments