MANILA, Philippines — Kabuuang 10 koponan kabilang ang isang all-collegiate national squad ang hahataw sa Asian Volleyball Confederation Cup for Women sa Agosto 21-29 sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Ito ang inihayag kahapon ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) matapos ang matagumpay na pagdaraos ng dalawang yugto ng Volleyball Nations League noong Mayo.
Ang pang-pitong edisyon ng Asian Volleyball Confederation Cup for Women ay nauna ang itinakda noong 2020 kundi lamang nagkaroon ng COVID-19 pandemic.
“This is a strong tournament and our young players, who we vision as the future of Philippine volleyball, will get the needed exposure against the continent’s best teams,” wika ni PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara.
Kasama ng Pilipinas sa Pool A ang reigning champion China, South Korea, Iran at Vietnam.
Nasa Pool B naman ang 2018 runner-up Japan, Thailand, Kazakhstan, Chinese Taipai at Australia.
“Just like the VNL, Filipino volleyball fans will again be treated to world-class volleyball action considering that world-ranked teams China, Japan, Iran, South Korea and Thailand are playing,” ani Suzara.
Ang preliminaries ay sa Agosto 21 hanggang 25.
Lalabanan ng Natonals ang Vietnam sa Agosto 21 kasunod ang China sa Agosto 23, ang Iran sa Agosto 24 at ang South Korea sa Agosto 25.
Nagdomina ang China noong 2008, 2010, 2014, 2016 at 2018.