Vanessa Sarno nagdagdag ng 3 ginto sa Team Philippines
MANILA, Philippines — Magarbong tinapos ni Asian champion at Southeast Asian Games winner Vanessa Sarno ang kampanya ng Team Philippines sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.
Inangkin ng 18-anyos na si Sarno ang tatlong gold medals sa snatch (100kgs), sa clean and jerk (130kgs) at total lift (230kgs) para dominahin ang junior women’s 71kgs.
Sumegunda si Retsu Anggi ng Indonesia na may total lift na 212kgs mula sa bronze sa snatch (92kgs) at silver sa clean and jerk (120.kgs) kasunod si Korean Kim Hye Min na may 211kgs total lift mula sa 93kgs sa snatch at 118kgs sa clean and jerk.
Kumolekta ang Pilipinas ng kabuuang 15 golds, 2 silvers at 3 bronzes sa nasabing torneo.
Binuhat ni Rose Jean Ramos ang apat na golds sa Youth at Junior women’s 45kg. at may dalawa si Angeline Colonia sa Youth women’s 40kg. category.
Nagdagdag ng tig-tatlong ginto sina Rosalinda Faustino at Rosegie Ramos sa women’s 49kgs at juniors division, ayon sa pagkakasunod.
- Latest