^

PSN Palaro

P.5 milyon cash reward ibibigay ng POC kay Tsukii

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
P.5 milyon cash reward ibibigay ng POC kay Tsukii
Junna Tsukii.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dagdag na P500,000 ang matatanggap ni Fil-Japanese karateka Junna Tsukii dahil sa kanyang pag-angkin sa gold medal sa nakaraang World Games sa Birmingham, Alabama.

Ang nasabing cash incentive mula sa Philippine Olympic Committee (POC) ay hiwalay sa ibibigay na P1 milyon ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Bumalik na po ako. Sa­lamat po,” sabi ng 30-anyos na si Tsukii sa kanyang pag-uwi sa bansa kamakalawa.

Sinabi ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na pinahaha­lagahan nila ang ibinigay na karangalan ng 31st Southeast Asian Games gold medalist.

“The POC recognizes Junna’s feat with honor, it wasn’t the Olympics but the World Games are that tough a competition,” wika ng Tagaytay City Mayor.

Samantala, nagbigay ang POC ng tulong pinansyal na P100,000 para kay track legend Lydia de Vega-Mercado na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sanhi ng Stage Four breast cancer.

Bukod ito sa sariling P100,000 ni Tolentino para sa dating ‘Asia’ sprint queen’ na nasa Makati Medical Center.

JUNNA TSUKII

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with