MANILA, Philippines — Sumagot na si PBA blackwater bossing player Paul Desiderio kaugnay sa mga akusasyon sa kanya ng dati niyang partner na si Agatha Uvero — ito’y matapos magpost sa twitter si Agatha ng pag aabuso umano ng ex-partner.
Mariin namang pinabulaanan ni Paul ang mga akusasyong ibinibintang sa kanya ng dating UAAP courtside reporter na si Agatha at nabigla umano siya sa mga maaanghang na pahayag ng ex-partner.
Related Stories
“Her social media allegation is unfortunate and sad, and most of all, untrue. I had hoped that we will be civil with each other after our separation, for the sake of our son,” ani Paul sa kanyang Facebook post, Huwebes.
“I vehemently deny her allegations of abuse during our relationship. I have had relationships prior to Ms. Uvero, and I also have a daughter from a previous relationship. I have never hurt a woman, especially not the mother of my child."
Sinabi rin ni Paul na bukas siyang makikipag-ugnayan sa PBA sa gagawing imbestigasyon ukol sa kontrobersiya.
Dagdag pa niya: “I will also face any complaint against me in any forum, especially in relation to domestic abuse accusations. I also reserve the right to seek redress for these defamations against my name and person.”
“I have worked hard for the little that I have achieved in my life, and I have always done it with dedication and honor. I will fight for the honor of my and my family’s name and reputation because that is all we have."
Humingi rin si Paul ng dispensa sa mga taong naapektuhan sa lumaking isyu nila ng kanyang ex-partner, kabilang na riyan ang kanyang mga kabigan, pamilya, kanyang teammates sa Blackwater at kanyang mga anak.
Matatandaang ayon sa Twitter post ni Agatha noong Miyerkules, nakaranas umano siya ng emotional at physical abuse habang magkasama pa sila ng PBA player.
"I have proof, pictures, screenshots. If no one will side with me, I'll accept it but I know the truth. I am not perfect and I've had my own mistakes in this relationship but no matter how mad I was, if I was almost twice your height and weight, I wouldn't hurt you like this," ani Agatha.
Dagdag pa niya, nagkaroon siya ng post traumatic stress disorder (PTSD) dahil sa mga nangyari sa kanya.
Dahil sa nangyari sa kanya hinikayat ni Agatha ang kapwa niya kababaihang magsalita kung nakaranas sila ng pang aabuso.
“We won't let them be the victors while we hide as silent victims. Our silence eats us up slowly and causes us to retract from our other loved ones. Please ladies, we can't allow this to keep happening. Men should be accountable for their actions."
Kung ika'y biktima ng domestic abuse, maaaring tawagin ang mga hotlines ng Department of Social Welfare and Development, Philippine National Police, PNP Women and Children Protection Center at National Bureau of INvestigation Violence and Women and Children Desk. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan