Marinero sinisid ang ika-2 panalo

MANILA, Philippines — Kumolekta si Juan Gomez de Liaño ng triple-double para bumida sa 84-64 pagbugbog ng Marinerong Pilipino sa EcoOil-La Salle sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Humakot ang dating University of the Philippines standout ng 27 points, 12 assists at 11 rebounds para sa 2-0 record ng Skippers at inilaglag ang Green Archers sa 1-1 marka.

“For me, credit ito sa players namin kasi na-run namin ng maayos iyong gameplan namin at ibinigay nila iyong best nila,” sabi ni coach Yong Garcia.

Sa pamumuno ni Gomez de Liaño ay naghulog ang Marinero ng 17-4 bomba para ibaon ang EcoOil-La Salle sa 80-55 sa huling 4:21 minuto ng fourth quarter.

Samantala, sumosyo sa liderato ang Wang’ Basketball @26-Letran matapos ungusan ang AMA Online, 89-84, para sa kanilang 2-0 kartada.

Sa huling laro, pinatumba ng Adalem Cons­truction-St. Clare Saints ang CEU Scorpions, 96-76, para sa kanilang 1-1 marka.

Show comments