Sasalang sa exhibition match Pacquiao may asim pa!

Manny Pacquiao of the Philippines enters the ring for his fight against Yordenis Ugas of Cuba during the WBA Welterweight Championship boxing match at T-Mobile Arena in Las Vegas, Nevada on August 21, 2021.
Patrick T. Fallon / AFP

MANILA, Philippines —  Magbabalik-aksyon si eight-division world champion Manny Pacquiao matapos ang kabiguan nitong makuha ang pagka-pangulo sa nakalipas na National Elections noong Mayo.

Ngunit hindi sa isang aktuwal na 12-round fight sasalang ang Pinoy champion.

Sa halip, makakasagupa nito si Korean YouTuber DK Yoo sa isang exhibition match.

Mismong si Yoo ang nag-anunsyo ng laban sa kanyang post sa social media kung saan kasama nito si Pacquiao sa isang tila pirmahan ng kontrata para sa laban.

Base sa post, tatawagin ang laban na 2022 Special Boxing Match Pacman vs DK Yoo na idaraos sa Disyembre 10, 2022.

Nakalagay pa ang “Boxer vs Meditator” na caption sa isang post sa Instagram account ni Yoo.

“For special match with Pacquiao in the Philippines,” ani Yoo.

Hindi rin biro kalaban si Yoo dahil may experience ito sa martial arts.

Si Yoo ay isang sports and fitness instructor at founder ng Warfare Combat System.

Kaya naman posibleng makapagbigay ito ng magandang laban kay Pacquiao.

Sa kabilang banda, nag­retiro na si Pacquiao sa professional boxing noong Setyembre.

Huli itong nasilayan sa aksyon noong Agosto kung saan lumasap ito ng unanimous decision loss kay Cuban Yordenis Ugas sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Show comments