Cansino out sa UAAP Season 85
MANILA, Philippines — Malalagasan ang reigning champion University of the Philippines sa oras na depensahan nito ang titulo sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament.
Ito ay sa ngalan ni co-team captain CJ Cansino na nagtamo ng anterior cruciate ligament (ACL).
Sumailalim na sa operasyon si Cansino kahapon ngunit mangangailangan ito ng mahabang panahon ng rehabilitasyon para tuluyang itong gumaling at makabalik sa paglalaro.
Karaniwan nang anim hanggang pitong buwan ang itinatagal ng rehabilitasyon.
Dahil dito, hindi masisilayan sa aksyon si Cansino sa susunod na edisyon ng UAAP.
Ito ang ikalawang operasyon ni Cansino matapos magtamo ng parehong injury noong Nobyembre ng taong 2018 noong naglalaro pa ito para sa University of Santo Tomas.
Lumipat sa kampo ng Fighting Maroons ang 6-foot-1 player matapos pumutok ang kontrobersiyal na Sorsogon Bubble noong kasagsagan ng pandemya.
Malungkot si Cansino na hindi pa ito ulit makalalaro suot ang UP jersey.
Subalit tiwala ito na mabilis itong makakarekober dahil napagdaanan na nito ang ganitong sitwasyon.
“Another challenge ito for me pero napagdaanan ko na ito kaya naniniwala ako na babalik yung lakas ng tuhod ko tulad noong last time (na naoperahan ako),” ani Cansino.
Nakuha ni Cansino ang injury sa second round ng eliminasyon noong Season 84.
- Latest