Megakraken swim team nagdomina sa Visayas leg ng FINIS

Iginawad ni FINIS Managing Director Vince Garcia ang medalya sa mga nagwaging swimmers.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umiskor ang Megakraken Swim Team ng kabuuang 591.5 points para angkinin ang overall team championship sa Visayas leg ng FINIS 2022 Short Course Swim Competition Series kamakailan sa University of Saint La Salle (USLS) swimming pool sa Bacolod City.

Sumegunda ang Iloilo Tiger Shark Swim Team (395 points) kasunod ang La Herencia Swim Club (387.5 points) sa dalawang araw na event na nilahukan ng 280 swimmers kabilang sina junior tankers at FINIS brand ambassadors Alexi Kouzenye Cabayaran ng Santa Fe Crocs Swimming Team sa girls’ 15-16 age group at Kyla Soguilon ng Aklan Swimming Club sa girls’ 16-17 class.

“It was successful in a way, as per interviews with the parents and coaches, they considered it a well-organized event, with lots of swag for the swimmers and coaches never seen in other tournaments,” ani FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia.

Ipinakilala ng FINIS Philippines ang online registration sa pamamagitan ng RaceYaya sa komunidad at magkakaroon ng database para sa mga FINIS events record-holders at gold medalists para sa bawat (Luzon, Visayas at Mindanao) leg bago magsimula ang Mindanao leg taglay ang meet records habang lahat sila ay nakikipaglaban sa isa’t isa sa Finals.

Bukod sa paghakot ng FINIS-designed crafty medals, ang top 16 finishers sa Luzon, Visayas at Mindanao leg (nakatakda sa Hulyo 30-31) ay makakakuha rin ng slot sa National Finals sa Setyembre sa New Clark City sa Tarlac.

Show comments