^

PSN Palaro

Pinoy jins sumipa ng 8 medals sa Korea

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy jins sumipa ng 8 medals sa Korea
Bumandera sa kampanya ng Pinoy jins sina Rodolfo Reyes Jr. at Darius Venerable na nasungkit ang Male Most Valuable Player awards sa kani-kanyang dibisyon,
STAR/ File

MANILA, Philippines — Humakot ang national poomsae team ng limang pilak at tatlong tansong medalya sa 7th Asian Taek­wondo Poomsae Championships na ginanap sa Chuncheon, South Korea.

Bumandera sa kampanya ng Pinoy jins sina Rodolfo Reyes Jr. at Darius Venerable na nasungkit ang Male Most Valuable Player awards sa kani-kanyang dibisyon,

Nakuha ni Reyes ang MVP award sa recognized poomsae habang napasa­kamay ni Venerable ang parehong award sa freestyle poomsae.

Dalawang ginto ang nasipa ni Reyes kung saan nakapilak ito sa recognized poomsae individual male under-30 category at tanso naman sa pair under-30 kasama si SEAG  gold medalist Jocel Ninobla.

Hindi rin nagpahuli si Venerable na kumana ng dalawang pilak na medalya sa freestyle individual male over-17 at sa mixed team over-17 finish.

Bukod sa pilak sa mixed team, nagdagdag pa si Oliva ng isang pilak sa freestyle individual female over-17.

Galing naman ang iba pang tanso sa recognized team male under-30 na binubuo nina Joaquin Tuzon, Enrico Mella at Patrick King Perez.

Nakatanso pa sina Macario at Crisostomo sa  freestyle poomsae pair over-17.

May tanso rin sina Angelica Gaw, Aidaine Laxa at Laeia Soria sa recognized team female under-30.

RODOLFO REYES JR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with