^

PSN Palaro

Jeremy Lin may payo kay Kai

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Jeremy Lin may payo kay Kai
Jeremy Lin.
STAR/FIle

MANILA, Philippines — May payo si dating NBA player Jeremy Lin kay Kai Sotto matapos hindi mapili sa katatapos na NBA Rookie Draft na ginanap sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

Nais ni Lin na ipagpatuloy lamang ni Sotto ang kanyang mga ginagawa upang mas lalo pa itong mag-improve sa kanyang paglalaro.

Nasilayan na ni Lin kung paano maglaro ang Pinoy cager.

Nagkita na ito sa Amerika sa NBA G League Ignite squad.

Kaya naman bilang kapwa Asya, suportado ni Lin si Sotto sa NBA Draft.

“I’ve met Kai. I’ve played against Kai, I’ve played with Kai. Like, you know, during the G League Ignite team, I had spent a couple of days with them, so I’m rooting for them too,” ani Lin sa panayam ng ESPN Asia.

Sinabi ni Lin na huwag itong mawawalan ng pag-asa dahil darating ang panahon na makakakuha ito ng bagong tahanan sa NBA.

“I would also say, ‘Hey it’s okay because you know who you are as a player and maybe if you just continue to show them over time, you will find a home and that’s the biggest thing’,” ani Lin.

Alam ni Lin ang nararamdaman sa ganung sitwasyon.

Noong 2010, hindi rin pinalad si Lin na makuha sa draft.

Subalit nakapaglaro ito ng siyam na taon sa NBA kabilang na ang paglalaro nito sa New York Knicks.

Naging bahagi pa ito ng champion team na Toronto Raptors noong 2019.

“Draft night is just one snapshot in a very long film. I just hope that he continues to believe in himself, stay confident, keep working hard, and just trust that as long I stay consistent, I will find a home,” ani Lin.

vuukle comment

JEREMY LIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with