France ‘di matibag sa liderato
MANILA, Philippines — Pinatibay ng France ang paghawak sa liderato matapos igupo ang Japan, 25-22, 27-25, 25-16, sa men’s division ng Volleyball Nations League Week 2 kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Hinataw ng Tokyo Olympics gold medalist ang 18 points mula sa kanilang 6-1 record.
Umiskor si Jean Patry ng 14 points habang may 10 hits si Trevor Clevenot laban sa Japan na ipinahinga si Yuji Nishida matapos ang 28-hit performance sa kanilang 25-20, 21-25, 24-26, 25-19, 15-13 panalo sa Italy noong Biyernes.
Nanatili ang Japan sa third place sa kanilang 15 points sa torneong inihahandog ng PLDT katuwang ang The STAR, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Maynilad, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
Samantala, tinalo ng Netherlands ang Argentina, 22-25, 25-23, 20-25, 25-19, 15-13, para umakyat sa fifth place bitbit ang 14 points mula sa 5-3 baraha.
Nahulog ang mga Argentines sa No. 12 sa likod ng kanilang 8 points sa 2-6 baraha.
- Latest