Thailand tumiklop sa USA

Pasok sa depensa ng Thailand players ang hataw ni Kelsey Robinson ng USA.
Russel Palma

MANILA, Philippines — Napanatili ni Ali Frantti ang kanyang solidong laro nang talunin ng United States ang Thailand, 17-25, 25-13, 25-23, 25-18 at imakuladang tapusin ang kanilang kampanya sa Week 2 ng  Volleyball Nations League kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ipinoste ng Americans ang perpektong 4 na pa­nalo at pagandahin ang kanilang kampanya sa 7-1 overall para sa 21 puntos na nagbigay daan sa Tokyo Olympic gold medalists na makalapit sa isang puwesto sa finals na gagawin sa Turkey sa susunod na buwan.

“It was awesome. All the teams are incredible, we can’t take anything for granted,” ani rantt.

Humataw ang produkto ng Penn State na si Frantti ng 27 puntos, kabilang ang dalawang blocks at 10 digs.

Nanatili naman ang Thais sa gitna ng standing na may 4-4 record kung saan isang panalo lang ang kanilang naitarak sa Philippine leg.

Ang torneo ay itinataguyod ng PLDT kasama ang Maynilad, The Phl STAR, Philippine Olympic Committee (POC), Phi­lippine Sports Commission (PSC) at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Show comments