Thailand niresbakan ng Poland

Hinatawan ni Olivia Rozanski ng Poland sina Kaewkalaya Kamulthala at Chatchu-On Moksri ng Thailand.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang come-from-behind 22-25, 27-29, 25-16, 25-16, 15-13 win ang itinakas ng Poland laban sa Thailand para palakasin ang tsansa sa Volleyball Nations League Week 2 kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sinamantala ng Poland ang pagkawala ng mga key players ng Thailand dahil sa COVID-19 para kumpletuhin ang pagbangon mula sa two-set deficit.

Inangkin ng mga Polish spikers, ang World No. 10 ranked team, ang huling tatlong sets para talunin ang 15-time Southeast Asian Games champion.

Umakyat ang Poland sa No. 6 spot ng torneo sa kanilang nahakot na 10 points mula sa 4-1 record.

Nahulog ang Thailand sa No. 5 sa kanilang 12 points sa likod ng 4-2 baraha sa torneong inihahandog ng PLDT kasama ang The STAR, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Maynilad, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Samantala, kinansela ang exhibition match ng Philippine men’s team at Japan sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City dahil sa health and safety protocols.

Ang nasabing laro ay side event ng VNL Week 2 para sa men’s at women’s division sa Big Dome.

Show comments