^

PSN Palaro

Mojdeh sweep ang 6 ginto sa Iloilo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh sweep ang 6 ginto sa Iloilo
Micaela Jasmine Mojdeh.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Matamis na nakumpleto ni Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh ang sweep sa anim na gintong medalya sa kanyang dibis-yon sa 2022 National Invitational Sports Competition kahapon sa Iloilo Sports Complex.

Sa huling araw ng kumpetisyon, pinagreynahan ng Philippine national record holder na si Mojdeh ang girls’ 100m breaststroke para masiguro ang kanyang ikaanim na ginto.

Magandang regalo rin ito para kay Mojdeh na nagdiwang ng kanyang ika-16 kaarawan kahapon.

Nauna nang nakaginto si Mojdeh sa 400m IM (5:18.51), 100m butterfly (1:05.26), 200m butterfly (2:25.01), 50m butterfly (29.89) at 200m IM (2:30.10).

Dahil dito, nakasiguro si Mojdeh ng tiket sa national team na sasabak sa Asean Schools Games na idaraos sa Nobyembre 17 hanggang 28 sa Dumaguete City.

“I am very happy to be back in the Asean Schools Games. This is a good chance for us to swim with the best of the Southeast Asian  swimmers again and give pride to the Philippines through our grassroot swimmers,” ani Mojdeh.

Ito ang ikatlong sunod na torneong nilahukan ni Mojdeh sa nakalipas na dalawang buwan.

Una na itong sumalang sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na ginanap sa Piscine de Melun swimming pool sa Melun, France kung saan humakot ito ng dalawang ginto at isang pilak.

Sinundan ito ng Philippine National Age-Group Championships sa Rizal Memorial Sports Complex na pinagreynahan ni Mojdeh tangan ang pitong gintong medalya.

Maliban kay Mojdeh, humirit din ng pilak si Marcus Johannes De Kam sa boys’ 50m freestyle kung saan nagsumite ito ng 24.86 segundo.

“I am very much impressed with the performance of my swimmers given that they have been through a back to back to back major swim meets. I would like to thank DepEd MAPEH supervisorJoel L. Jader, Mayor Roderick Don Don Alcala and newly-elected Mayor Mark Alcala,” ani Calabarzon Region at BEST head coach Virgilio de Luna.  

NATIONAL INVITATIONAL SPORTS COMPETITION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->