Philippines BEST-SLP handa na sa Paris meet

Ang mga pambato ng Philippines BEST-SLP sa Paris meet.
Chris Co

MANILA, Philippines — Handa na ang Philippines BEST-Swim League Philippines na makipagsabayan sa matitikas na tankers sa Europa sa pagsabak nito sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na lalarga sa Mayo 13 hanggang 15 sa Paris, France.

Babanderahan ang delegasyon ng Pilipinas ni Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh na beterano na sa mga international tournaments.

Makakasama nito sina Julia Ysabelle Basa, Marcus Johannes De Kam, Jordan Ken Lobos, Nicholas Ivan Radovan, Hugh Antonio Parto, Yohan Mikhail Cabana at Lance Arcel Lotino.

Excited na ang lahat lalo pa’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na masisilayan sa aksyon ang Philippines BEST-SLP sa isang European tournament.

Makakasagupa ng Pinoy tankers ang matitikas na swimmers mula sa host France at iba’t ibang panig ng Europa kabilang na si Jeremy Desplanches na miyembro ng elite swimming team ng France.

Kasama rin sa delegasyon sina team manager Harold Mojdeh at coach Jerricson Llanos.

Nagpasalamat ang Phi­lippine BEST-SLP sa lahat ng mga suportang natanggap nito mula sa mga indibidwal at grupo na tumulong sa koponan sa pangunguna na ng Behrouz Persian Cuisine — ang mojor sponsor ng team.

“We would also like to thank Hans Wong, Hannah Wong, Marie Lim, Jun Papa, Senator Ralph Recto, Vince Garcia and FINIS Philippines as well as Judith Communaudat (Secretary English Translator), Hervee Piquee (Head Coach and Technical Director) and Fa­dela ElBarodi,” ani Philippines BEST-SLP chairman Joan Mojdeh.

Show comments