Ancajas-Martinez rematch itatakda sa Hulyo o Agosto
MANILA, Philippines — Ikinakasa na ang rematch sa pagitan nina Jerwin Ancajas at reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Fernando Martinez.
Ayon kay Joven Jimenez, ang trainer at manager ni Ancajas, gagamitin ng Pinoy fighter ang rematch clause na nakasaad sa kontrata.
“Final na gagamitin iyong rematch clause na nasa kontrata,” wika ni Jimenez sa rematch na target ikasa sa Hulyo o Agosto ng taong ito.
Puntirya nina Ancajas at Jimenez na tumulak pa-Amerika dalawang linggo bago ang laban.
“Mas magandang mas maging handa this time dahil gusto talaga ni Jerwin na mabawi iyong korona,” ani Jimenez kay Ancajas.
Orihinal sanang plano ng Team Ancajas na umakyat na sa mas mataas na timbang sa pagtatapos ng Ancajas-Martinez match.
Subalit naudlot ito nang malasap ni Ancajas ang unanimous decision loss mula kay Martinez sa kanilang bakbakan noong Pebrero.
- Latest