^

PSN Palaro

La Salle swak sa Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
La Salle swak sa Final 4
Tangkang supalpalin ni Bright Nwankwo ng La Salle si Ricky Peromingan ng Adamson sa UAAP.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naipormalisa ng De La Salle University ang pag-entra sa Final Four matapos sikwatin ang 64-51 panalo sa Adamson University sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Bago makuha ang panalo, dumaan muna sa matinding pagsubok ang Green Archers kung saan tabla sa 43-all ang iskor sa pagpasok ng huling kanto.

Subalit nagtulong sina Evan Nelle at Justine Baltazar upang makalayo ang La Salle at tuluyang makuha ang panalo.

“It was a total team effort for the whole team. Finally, it’s official that we made it to the Final Four. It was a good win for us and we know that it wouldn’t be easy,” ani Green Archers head coach Derrick Pumaren.

Bumanat si Nelle ng pito habang lima naman ang nagawa ni Baltazar sa 16-4 run ng Green Archers para makuha ang 59-47 bentahe sa huling tatlong minuto ng laro.

Mula dito ay hindi na lumingon pa ang La Salle.

Pinana ng Green Archers ang ikawalong panalo para gumanda ang rekord nito sa 8-5 habang nanganganib na masibak ang Soaring Falcons na bumagsak sa 5-8 baraha.

Nanguna para sa Green Archers si Schonny Winston, na hindi nasilayan sa laban ng La Salle at Far Eastern University dahil sa back spasms, nang umani ito ng 19 points tampok  ang 14 sa second half, kasama pa ang limang rebounds, dalawang steals, at isang block.

Tumapos ng kabuuang 11 markers si Nelle kalakip ang limang rebounds at dalawang steals.

Nalimitahan si Soa­ring Falcons ace Jerom Lastimosa sa maasim na 3-of-13 shooting para magkasya lamang sa 11 puntos habang umiskor ng parehong 11 markers si rookie Ricky Peromingan.

Sa unang laro, nanaig ang National University sa University of the East, 100-81, upang manatiling buhay ang tsansa nito sa Final Four.

Gumanda ang rekord ng Bulldogs sa 6-7 habang wala pa ring panalo ang Red Warriors sa 13 pagsalang.

“Maganda ‘yung ba­lik namin coming off four straight losses,” ani Bulldogs head coach Jeff Napa. “Magandang bwelo ‘to heading to the game on Sunday against La Salle.” 

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with