^

PSN Palaro

Allen binuhat ang Bucks sa 2-1 lead

Pilipino Star Ngayon
Allen binuhat ang Bucks sa 2-1 lead
Grayson Allen of the Milwaukee Bucks looks to the scoreboard before being ejected for a hard foul against Alex Caruso of the Chicago Bulls during the second half of a game at the Fiserv Forum on January 21, 2022 in Milwaukee, Wisconsin.
Stacy Revere / Getty Images / AFP

CHICAGO — Kumonekta si Grayson Allen ng limang triples para sa kanyang 22 points at iginiya ang nagdedepensang Milwaukee Bucks sa 111-81 paggupo sa Bulls.

Inagaw ng Milwaukee ang 2-1 lead sa kanilang Eastern Conference first-round playoff series ng Chicago kahit wala si injured Khris Middleton.

Kumamada sina Giannis Antetokounmpo at Bobby Portis ng tig-18 points para sa Bucks at may 16 markers si Jrue Holiday,

Kinuha ng Milwaukee ang 24-point lead sa second quarter at hindi na pinaporma ang Chicago hanggang sa fourth quarter.

Sa New Orleans, humugot si Chris Paul ng 19 sa kanyang 28 points sa  fourth quarter sa 114-111 paglusot ng Phoenix Suns sa Pelicans sa Game Three ng kanilang Western Conference first-round series.

May 14 assists din si Paul at naposte si center Deandre Ayton ng 28 markers at 17 rebounds para sa 2-1 abante ng Phoenix sa New Orleans.

Hindi naglaro si Devin Booker para sa Suns dahil sa kanyang natamong strained right hamstring sa kanilang 114-125 home loss sa Pelicans sa Game Two.

Sa Atlanta, isinalpak ni Trae Young ang isang floater sa huling 4.4 segundo para sa 111-110 pag-eskapo ng Hawks sa Miami Heat at ilapit sa 1-2 ang kanilang serye.

Naimintis ni Jimmy Butler ang kanyang jumper para sa Miami sa huling 12.6 segundo kasunod ang game-winning floater ni Young para sa Atlanta.

GRAYSON ALLEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with