MANILA, Philippines — Hindi pinalad si Jonas Sultan matapos lumasap ng unanimous decision loss kay Paul Butler sa kanilang interim World Boxing Organization (WBO) bantamweight title fight kahapon sa Liverpool, England.
Dominado ni Butler ang buong panahon ng laban upang makuha nito ang boto ng tatlong hurado na nagbigay ng 116-112, 118-110 at 117-111 desisyon.
Hindi nakapaghanda ng husto si Sultan sa laban dahil naging kahalili lamang ito ni WBO bantamweight king John Riel Casimero na orihinal na kalaban ni Butler.
Hindi pinayagang makasabak si Casimero matapos matuklasang lumabag ito sa patakaran ng British Boxing Board of Control (BBBC).