MANILA, Philippines — Suspendido ang PBA 3x3 Lakas ng Tatlo 2nd Conference Grand Finals matapos magkaroon ng sunog na diumano'y nagsimula sa construction site malapit sa Araneta Coliseum kung saan ginaganap ang basketball games.
Nangyari ito kahit nakatakda sanang magkaroon ng 14 games ngayong araw sa naturang venue kaugnay ng PBA 3x3.
"#PBA3x3 #LakasNgTatlo will be temporarily suspended today due to an emergency situation," wika ng opisyal na Twitter account ng PBA 3x3, Miyerkules.
#PBA3x3 #LakasNgTatlo will be temporarily suspended today due to an emergency situation. pic.twitter.com/LWzbUs34T3
— PBA3x3 (@PBA_3x3) April 20, 2022
Pinaalis na sa court ang mga tao matapos maiulat na napupuno ng usok ang venue habang nangyayari ang mga laro.
Maliban dito, nakatakda sanang mangyari ang Game 6 ng PBA Finals sa parehong venue mamayang 6 p.m. sa pagitan ng Meralco Bolts at Barangay Ginebra.
Makikita sa videos na ito ang usok sa lugar, maliban pa sa pagresponde ng mga bumbero na noo'y inaapula ang apoy.
Smoke filled the venue while the games were ongoing. Shortly after, people were evacuated as first responders and fire fighters arrived at the scene. Game 6 of the PBA Finals tonight between Meralco and Ginebra in peril of postponement (????: PBA) | @StarSportsHub @PhilstarNews pic.twitter.com/Up3ItKx16W
— Luisa Morales (@mluisamorales_) April 20, 2022
Bandang 12:41 p.m. nang ideklarang "fire under control" ng Txtfire Philippines Foundation Inc ang apoy sa venue.
Tuluyang idineklarang "fire out" ang sitwasyon sa Araneta Coliseum pagsapit ng 1:10 p.m.
As of 4/20/2022, 1:10:13 PM
— TXTFIREPhilippines (@TXTFIRE) April 20, 2022
Fire Alert!
->araneta coliseum cubao Quezon City : Fire Out
Wala pa namang pormal na anunsyo ang PBA kung ipo-postpone ang Game 6 ng finals mamayang gabi. — James Relativo at may mga ulat mula kay Luisa Morales