Kakasa sa heat sa East playoffs
CLEVELAND — Iniskor ni Trae Young ang 32 sa kanyang 38 points sa second half para banderahan ang Atlanta Hawks sa 107-101 paggiba sa Cavaliers at angkinin ang No. 8 seed sa Eastern Conference playoffs.
Nagdagdag si Bogdan Bogdanovic ng 19 points para sa Hawks na haharapin ang No. 1 seed Miami Heat sa East first-round playoffs.
“We took care of business,” sabi ni Young. “It’s a testament to our team that we kept fighting and finished the job.”
Humataw si Young ng 16 points sa third quarter para ibangon ang Atlanta mula sa 10-point halftime deficit habang nagtala siya ng 16 markers sa fourth period para tuluyan nang tapusin ang Cleveland.
Sa Los Angeles, nagpasabog si Brandon Ingram ng 30 points para sa pagresbak ng New Orleans Pelicans mula sa 13-point deficit sa fourth quarter at talunin ang Clippers, 105-101.
Ibinulsa ng Pelicans ang No. 8 seed at lalabanan ang No. 1 ranked Phoenix Suns sa Western Conference first-round playoffs.
Ito ang unang pagkakataon na umabante ang New Orleans sa playoffs sapul noong 2017-18 season sa paggiya ni first-year coach Willie Green.
Naglaro ang Clippers na wala sina superstars Paul George (health and safety protocols) at Kawhi Leonard (ACL injury).