Knights, Cardinals at Red Lions hangad ang 4th win

MANILA, Philippines — Itataya ng nagdedepen­sang Letran Knights, San Beda Red Lions at Mapua Cardinals ang kanilang ma­tayog na record.

Haharapin ng Knights ang Cardinals ngayong alas-12 ng tanghali kasunod ang bakbakan ng Red Lions at San Sebastian Stags sa alas-3 ng hapon sa 97th NCAA men’s basketball tournament sa La Salle Greenhills Gym sa Man­daluyong City.

Bitbit ng Letran, San Be­da at Mapua ang magka­katulad na 3-0 baraha para palakasin ang tsansa sa da­lawang automatic seat sa Final Four.

Ang top two teams ma­tapos ang single-round eli­minations ang aabante sa Final Four tangan ang ‘twice-to-beat’ advantage.

Ang No. 3, 4, 5 at 6 teams ang maglalaro sa play-in tournament na mag­dedetermina sa dalawang semifinalists.

“It’s still a long way to go. Matagal pa iyong tournament at iisa-isahin pa natin,” sabi ni Knights’ head coach Bonnie Tan.

Matinding preparasyon ang ginawa ng Cardinals ni coach Randy Alcantara pa­ra makamit ang ikaapat na sunod na panalo.

“Lahat naman ng teams sa NCAA ay tini-treat namin na malakas, so siyempre ka­ilangan naming mag-pre­pare at kailangan tuluy-tu­loy lang iyong ginagawa namin plus iyong effort at che­mistry,” ani Alcantara.­­

Show comments