^

PSN Palaro

Bey inukit ang pangalan sa kasaysayan ng Pistons

Pilipino Star Ngayon

ORLANDO, Fla. — Isinulat ni Saddiq Bey ang kanyang pangalan sa Detroit Pistons history.

Nagpasabog si Bey ng career-high na 51 points para pamunuan ang Pistons sa 134-120 pagpapayukod sa Magic at tapusin ang kanilang four-game losing slump.

Sa edad na 22-anyos, si Bey ang pinakabatang player na nagposte ng 50-point game sa Pistons history.

“I didn’t come into the game saying this is what I’m going to do, but you catch a rhythm and you get in a zone,” sabi ni Bey. “My teammates did a great job of finding me and just encouraging me to stay aggressive.”

Dinuplika ni Bey ang franchise record na 10 three-pointers ng talsik nang Detroit (19-51) kasunod ang sibak na ring Orlando (18-53) sa Eastern Conference.

Ang 51 points ni Bey ang pang-walong 50-point game ngayong Marso na pinakamarami sa isang ca­lendar month sa nakalipas na 50 seasons, ayon sa ESPN Stats & Information research.

May siyam na 50-point games noong Disyembre ng 1962.

Tumipa si Marvin Bagley III ng 20 points at 11 rebounds para sa Pistons.

DETROIT PISTONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with