Herro bumandera sa Heat, Rockets pinasabog

Ang jumper ni Tyler Herro ng Miami Heat laban kay Fil-Am rookie Jalen Green ng Houston Rockets
STAR/ File

MIAMI - Humugot si Tyler Herro ng 21 sa kanyang game-high 31 points sa second quarter para banderahan ang Eastern Conference-leading Heat sa 123-106 pagpapasabog sa Houston Rockets.

Nag-ambag si Jimmy Butler ng 21 points markers para sa ikatlong sunod na ratsada ng Miami (44-22) at nagtala si Bam Adebayo ng 18 points at 10 rebounds.

Sumalang si Victor Oladipo sa unang pagkakataon matapos ang halos isang taon dahil sa surgery sa right quadriceps tendon at umiskor ng 11 markers sa loob ng 15 minuto.

Tumipa si Kevin Porter Jr. ng 22 points sa panig ng Houston (16-49)  habang may 20, 16 at 14 markers sina Fil-Am Jalen Green, Josh Christopher at KJ Martin, ayon sa pagkakasunod.

Bumangon ang Heat mula sa 13-point deficit sa dulo ng first half bago kumamada si Herro ng 15 points sa inihulog na 23-6 bomba sa huling 4:35 minuto para iwanan ang Rockets patungo sa halftime.

Sa Denver, ipinoste ni Nikola Jokic ang kanyang ikalawang triple-double sa tinapos na 32 points, 15 rebounds at 13 assists para igiya ang Nuggets (39-26) sa 131-124 pagdaig sa Golden State Warriors (43-22).

Sa San Antonio, pinan­ta­yan ni Gregg Popovich ang NBA record na 1,335 career victory ni Don Nelson bilang coach matapos ang 117-110 paggupo ng kanyang Spurs (25-40) sa Los Angeles Lakers (28-36).

Sa iba pang laro, pina­dapa ng Detroit Pistons ang Atlanta Hawks sa overtime, 113-110; at wagi ang Minnesota Timberwolves sa Portland Trail Blazers, 124-81

Show comments