^

PSN Palaro

Ayala Center for Excellence in Sports ilulunsad para sa atletang Pinoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Ayala Corporation ang pagkakabuo ng Ayala Center for Excellence in Sports (ACES) na naglalayong suportahan ang mga atletang Pinoy.

“The Ayala Group has long seen the impact that sports can have on many facets of its businesses. In fact a number of our senior executives have represented the country on national teams in diffe-rent sports, including Ayala Land’s Chris Macasaet in men’s volleyball and AC Energy’s Jaime Urquijo in rugby,” ani program director Jan Bengzon.

Ayon kay Bengzon, naniniwala sila na  kaila­ngan ng mga atletang Pinoy ang magaganda at world-class sports facilities sa buong bansa upang maipakita ang kanilang galing at husay sa sport at mas ma­ging competetive sa ibang bansa.

Ilan sa mga pangunahing programa ng Ayala Center for Excellence in Sports ay ang redevelopment ng Ayala Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite upang maging world-class training center para sa national athletes. Isasagawa ito kasama ang Ayala Land.

Ilulunsad din ng ACES ang Atletang Ayala prog­ram na magbibigay ng suporta at oportunidad sa national athletes na nais makalahok sa paparating na 2024 Olympics.

Inaasahang ipapatupad ang mga nasabing programa ngayong 1st quarter ng 2022.

ACES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with