^

PSN Palaro

Pinoy boxers walang sawa sa pagbibigay ng karangalan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy boxers walang sawa sa pagbibigay ng karangalan
Nonito Donaire Jr.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Wala pa ring kupas ang mga Pinoy boxers na isa sa mga tinitingala sa mundo ng boxing.

Patuloy ang pamama­yagpag ng mga Pilipinong boksingero na puhunan ang dugo’t pawis para mabigyan ng karangalan ang bansa.

Dahil dito, may apat na world champions ang Pili­pinas.

Bumabandera si reig­ning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na naging matagumpay sa kanyang dalawang title defense para mapanatili ang WBC belt.

Unang umarangkada si Donaire nang kunin nito ang impresibong fourth-round knockout win kay Nordine Oubaali noong Mayo 29 sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California para maagaw ang WBC belt ng French boxer.

Matikas na isinara ni Donaire ang taong 2021 nang muli itong sumalang noong Disyembre 11 kung saan nadepensahan nito ang titulo laban sa kababayang si Reymart Gaballo via fourth-round knockout win sa labang ginanap sa parehong venue.

Hindi rin matatawaran ang husay ni Jerwin Ancajas na napanatili ang kanyang IBF junior bantamweight title matapos kunin ang unanimous decision win kay Mexican pug Jonathan Rodriguez noong Abril 10 sa Mohegan Sun Arena sa Connecticut.

Nakatakda pa sana ang blockbuster unification fight ni Ancajas kay World Bo­xing Organization (WBO) champion Kazuto Ioka sa New Year’s Eve subalit nakansela ito dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Japan.

Maliban kina Donaire at Ancajas, world champion din sa kani-kanyang dibisyon sina John Riel Casimero (World Boxing Organization bantamweight) at Rene Mark Cuarto (IBF world minimumweight).

Muntik pang mahubaran ng korona si Casimero matapos mabigong sumipot sa official weigh in sa laban nito kay Paul Butler noong Disyembre 11 sa Dubai, United Arab Emirates.

Idinahilan ni Casimero ang viral gastritis na tumama sa kanya.

Tinanggap ng WBO ang paliwanag ng kampo ni Casimero subalit  ipinag-utos ng world boxing body na ireset ang Casimero-Butler fight sa 2022.

Ilan naman ang nalungkot nang magpasyang magretiro si eight-division world champion Manny Pacquiao na isa sa tunay na nagpaangat sa bandila ng Pilipinas sa world stage.

Nagdesisyon si Pacquiao na tuluyan nang lisanin ang apat na sulok ng boxing ring para pagtuunan ang kanyang kandidatura sa Presidential Elections sa susunod na taon.

Sa pagkawala ni Pacquiao sa senaryo, hindi pa rin mabubura ang Pilipinas sa mundo ng boxing dahil maraming Pinoy boxers ang handang sundan ang kanyang yapak.

WBC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with