^

PSN Palaro

Nievarez, national rowing team nagsimula na ng bubble training

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinimulan na ni Tokyo Olympian Cris Nievarez at ng national rowing team ang kanilang bubble trai­ning sa La Mesa Dam sa Quezon City bilang paghahanda sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi, Vietnam.

“January 3 nagbalikan na kami para mag-training,” ani Nievarez.

“Social distancing muna, hindi puwedeng sabay-sabay, tapos nag-test (antigen) din kami,” wika ni Nievarez sa PSC Hour program.

Hangad ng mga national rowers na duplikahin o lampasan ang sinagwang tatlong gold at isang bronze medal noong 2019 Philippine SEA Games.

Naghari ang 21-anyos na si Nievarez sa men’s lightweight single sculls at nagreyna si Melcah Jen Caballero sa wo­men’s lightweight single sculls at nakipagtambal si Caballero kay Joanie Delgaco sa lightweight double sculls.

“Ongoing naman iyong training namin at naka-set na iyong goal namin para sa SEA Games  muna bago iyong Asian Games,” sabi ng tubong Atimonan, Quezon.

Babaunin ni Nievarez ang kanyang eksperyensa sa Tokyo Olympics kung saan siya sumalang sa men’s single sculls event at nabigong makakolekta ng medalya.

“Kailangan ngayon pa lang umpisahan na namin iyong hard work para makuha ulit iyong SEA Games gold medal,” dagdag nito.

Bilang preparasyon sa Hanoi SEAG, lalahok si Nievarez at ang 10 pang national rowers sa 2022 Asian Rowing Virtual Indoor Championships sa Enero 15-22.

BUBBLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with