^

PSN Palaro

Brondial, Pinto may bagong tahanan sa PBA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Brondial, Pinto may bagong tahanan sa PBA

MANILA, Philippines — May bagong bahay sa taong ito sina Rodney Brondial at John Pinto kasama ang kani-kanyang bagong teams.

Lumundag si Brondial mula sa Alaska patungo sa kampo ng San Miguel Beer habang hinugot naman ng Barangay Ginebra si Pinto na mula sa free agency.

Napaulat na hindi nagkasundo si Brondial at ang Alaska management sa contract extension kaya’t nagpasya ang una na lumipat sa Beermen.

Walang detalyeng luma­bas kung ano ang nakapaloob sa kontrata ni Brondial sa Beermen.

Muling makakasama ni Brondial si SMB head coach Leo Austria na nakasama nito sa Adamson University noong naglalaro pa ito sa UAAP.

Sa kabilang banda, napunta sa free agent si Pinto matapos magdesisyong hindi na irenew ang kanyang kontrata sa Meralco Bolts.

Nagtapos na ang kontrata ni Pinto noong Disyembre 2021.

Kaya naman agad itong kinuha ng Gin Kings at binigyan ng three-year contract.

Nakapaglaro pa ng da­lawang laro si Pinto kasama ang Bolts sa PBA Season 46 Governors’ Cup kung saan mayroon itong a­verages na 9.0 points, 2.5 rebounds at 5.5 assists.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with