^

PSN Palaro

Espejo nagpasiklab sa V.League All-Star Game

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Espejo nagpasiklab sa V.League All-Star Game
Marck Jesus Espejo
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling gumawa ng kasaysayan si outside hitter Marck Jesus Espejo bilang kauna-unahang Pinoy volleyball player na nakapaglaro sa Japan V.League All-Star Game.

At mas lalo pa itong naging memorable para sa 6-foot-3 national mainstay dahil nagkampeon ang kanyang koponan na Team Kota.

Tinulungan ni Espejo ang Team Kota na makuha ang 25-22, 25-22, 26-24 panalo laban sa Team Shirasawa sa larong ginanap sa Tokorozawa Municipal Gymnasium.

“Sobrang saya ko na naging part ako ng All-Star Game and ng league as a whole. Kaya talagang ginawa ko ang lahat ng makakaya ko,” ani Espejo.

Isa ang five-time UAAP MVP sa starting lineup ng Team Kota.

Sa katunayan, si Espejo pa ang nakakuha ng kauna-unahang puntos ng team sa laro.

Kasama ni Espejo sa first-six ng team sina Kunihiro Shimizu (Panasonic), Kenyu Nakamoto (Panasonic), Taichi Fukuyama (JTEKT), Taishi Onodera (Hiroshima), Masaki Oya (Suntory) habang libero naman si Tomohiro Yamamoto (Sakai).

Nasa Team Kota rin sina Sharone Vernon-E­vans (Sakai), Haruki Ono (Suntory), Kuriyama (FC Tokyo), Yudai Kato (VC Nagano) at Ryuta Homma (JTEKT).

Sa Enero pa magba­balik-aksyon ang mga laro sa V.League matapos ang holiday break.

Sasalang si Espejo at ang FC Tokyo laban sa Panthers sa Enero 8 sa Panasonic Arena.

MARCK JESUS ESPEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with