GlobalPort-Philippine polo team kampeon sa Romero Cup

Nakipagtambal si Romero, team owner ng NorthPort Batang Pier sa PBA, kay veteran Anthony Garcia para gulatin ang mga Argentinean players.
STAR/File

MANILA, Philippines — Binanderahan ni Deputy Speaker Mikee Romero (1Pacman Partylist) ang GlobalPort-Philippine polo team sa pagtakas ng 10-9 panalo laban sa tropa ng Argentina sa Miguel Lorenzo Romero Cup sa Calatagan, Batangas.

Nakipagtambal si Romero, team owner ng NorthPort Batang Pier sa PBA, kay veteran Anthony Garcia para gulatin ang mga Argentinean players.

“It was unbelievable beating the Argentineans,” sabi ni Romero na pumalo sa crucial goal para sa Globalport at pumigil sa pagresbak ng Argentinean squad. “We made a good start because of the team’s chemistry.”

Ang nasabing polo tournament ang unang idinaos sa Miguel Lorenzo Romero polo field matapos noong 2019 Southeast Asian Games kung saan inangkin ng national team ang bronze medal.

Show comments