UAAP may bagong logo para sa Season 84
MANILA, Philippines — Wala nang makapipigil sa pagdaraos ng ika-84 edisyon ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) matapos isiwalat ng liga ang official logo nito kahapon.
Ginawa ang bagong logo ni Darryl John Digal ng Far Eastern University na siyang nanalo sa UAAP Logo Design Contest na isinagawa ng liga.
Mahigit 200 entries ang tinalo ni Digal para makuha ang top prize.
Maganda ang bagong logo ng UAAP na maihahalintulad sa sipa na isa sa mga paboritong laro ng mga kabataan na nagiging daan rin para mahubog ang pakikipagkaibigan, sportsmanship at patas na paglalaro sa kanilang murang edad.
“(It) taught us to develop our sportsmanship and values such as camaraderie, fairness, and civility,” ani Digal.
Dagdag pa sa paliwa-nag ni Digal, ang disenyo ay sumisimbolo sa malalim na kasaysayan ng sports sa bansa.
Isa ang sports sa nagiging tulay upang pag-ugnayin ang iba’t ibang kultura gayundin ang pag-hubog sa karakter ng mga kabataang atleta.
“(It symbolizes) our athletic heritage and culture, emphasizing the mission to promote cultural diversity, character development, and athletic excellence,” ani Digal sa kanyang paliwanag.
- Latest