3 ginto sa Pinoy muay team

MANILA, Philippines — Nagpatumba ang Philippine muay team ng kabuuang tatlong gold, isang silver at dalawang bronze medals sa katatapos na 2021 International Federation of Muaythai Associations World Championship sa Bangkok, Thailand.

Naghari si Phillip Delarmino sa men’s 57kg elite combat competition  habang nagdomina si Islay Bomogao sa waikru competition senior female category.

Ang tagumpay ng 31-anyos na tubong Iloilo City na si Delarmino ang nagbigay sa kanya ng tiket para sumabak sa 2022 World Games sa Hulyo 7-17 sa Birmingham, Alabama.

Si billiards master Carlo Biado ang unang Pinoy gold medalist sa World Games matapos pagharian ang men’s 9-ball singles event noong 2017 edition sa Wroclaw, Poland.

Nakipagtulungan naman si Delarmino kay Bomogao para angkinin ang gintong medalya sa mai muaythai category para sa Team Philippines na tumapos sa No. 18 spot sa tournament rankings sa kanilang 8 points.

Si Bomogao ang sumipa ng silver medal noong 2019 Southeast Asian Games.

Si Aldrich Toralba naman ang nagdagdag ng nag-iisang pilak matapos pumangalawa sa waikru senior male category.

Ang dalawang tansong medalya ay hinugot nina Bomogao (women’s 45 kg) at Rudzma Abubakar sa women’s 45 kg at men’s 48 kg divisions, ayon sa pagkakasunod.

Show comments