Panlilio muling nahalal bilang SBP prexy

SBP president Al Panlilio
STAR / File

MANILA, Philippines — Muling nahalal bilang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si Al Panlilio upang ituloy ang magandang basketball program sa bansa.

Mananatili bilang chairman emeritus ng SBP si business tycoon Manny V. Pangilinan na pangunahing tagasuporta ng basketball program sa bansa kabilang na ng Gilas Pilipinas.

Nagpasalamat naman si Panlilio sa tiwalang i­binigay sa kanya ng mga basketball stakeholders na dumalo sa eleksiyon kahapon.

Isa sa mga tututukan ni Panlilio ang hosting ng bansa ng FIBA World Cup sa 2023.

Aminado si Panlilio na maraming balakid ang nakaamba sa hosting lalo pa’t hindi pa tapos ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Makakasama ni Panlilio sa Board of Trustees sina Sonny Angara bilang chairman at Robbie Puno bilang vice chairman.

Magiging executive director si Sonny Barrios, treasurer si Ricky Palou at corporate secretary si Marievic Añonuevo.

Vice president naman si Ricky Vargas habang nasa SBP Board sina PBA Commissioner Willie Marcial, TerraFirma Governor Bobby Rosales at Alaska Governor Dickie Bachman.

Pasok din sa Board sina Mark Molina ng UAAP, Dax Castellano ng NCAA, at Monica Jorge.

Show comments