Water sports sa Boracay para lang sa vaccinated tourists

Base sa Executive Order No. 028-A na ni­lagdaan ni Aklan Governor Florencio Miraflores na napaulat sa GMA News, hindi pinapayagan ang mga hindi bakunado na ma-enjoy ang iba’t-ibang uri ng water sports activities.
Photos by Joanne Rae Ramirez

MANILA, Philippines — Ekslusibo lamang umano sa mga turistang fully vaccinated na ang pinapayagang ma enjoy ang mga water sports activities habang nagbabakasyon sa isla ng Boracay.

Base sa Executive Order No. 028-A na ni­lagdaan ni Aklan Governor Florencio Miraflores na napaulat sa GMA News, hindi pinapayagan ang mga hindi bakunado na ma-enjoy ang iba’t-ibang uri ng water sports activities.

Tampok din sa bagong EO ang pagpapatupad ng curfew sa Boracay magmula ala-una hanggang alas-kuwatro ng madaling araw.

Umaasa ang provincial government ng Aklan na patuloy ba magiging COVID-19 free ang Boracay dahil sa mga paghihigpit sa patakaran na pinaiiral sa buong isla.

Show comments